Usapang Bitch

Kahapon, may kinuwento at pinakita sakin ang matalik (sobra) kong kaibigan na si Ericka. May nakita daw kasi syang book na ang title ay ‘Why Men Love Bitches’. Natawa ako kasi sabi niya ako daw agad naalala niya nung nakita niya yung book. Sabi niya dapat ko daw basahin yung book. Natawa ko, sabay sabi ‘So dapat pala maging bitch muna ko bago ko magkaron ng lovelife?’, tapos sabay na kaming tumawa.

Funny, pero nagtataka ko bakit niya naisip na di ako bitch. Feeling ko nga napakabitchy ko eh. Yun nga lang di halata. Silent bitch kumbaga. Saka not all the time naman ganon ako. Palibhasa palagi kong sinasabi na si Ericka eh loud bitch kaya di halata sakin. Tingin ko din may levels yun eh. Siguro nasa lower level palang ako kaya niya nasabi na di ako bitch.

Lahat naman tayo may bitchy side eh. Madapa na ang wala. Yun nga lang di pare- pareho ang ating levels of bitchiness. Depende rin siguro sa sitwasyon. Wala naman masama kung ganon eh, dapat nga lang nasa tama ka and keep it in moderation. 


245 notes · #Why Men Love Bitches #silent #loud #level #moderation
  1. trishdgarcia posted this